Pangulong Marcos nakiramay sa mga nasawi sa Indonesia stampede at Thailand shooting
Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pamilyang naulila sa soccer stampede sa Indonesia pati na ang nursery attack sa Thailand.
Sa Twitter post ng Pangulo, ipinapanalangin ng Punong Ehekuktibo ang agarang paggaling ng mga survivors.
“We condole deeply with the families of those lost in the recent tragedies of the Indonesia football stampede and the Thailand daycare attack,” pahayag ng Pangulo.
“We pray for the recovery of the survivors, healing of those left behind, and that the departed may rest in peace,” dagdag ng Pangulo.
Nasa 129 katao ang nasawi habang 180 ang sugatan matapos mauwi sa stampede ang soccer match sa Indonesia.
Nasa 37 naman naman ang nasawi, karamihan ay mga batang estudyante matapos pag-atake ng gunman na si Panya Khamrab sa Thailand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.