P134 milyong halaga ng medical at burial assistance, naipamahagi ni VP Duterte sa unang 100 araw sa puwesto
Umabot na sa P134 milyong halaga ng medical at burial assistance ang naipamahagi ni Vice President Sara Duterte sa unang 100 araw na panunungkulan.
Nasa 13,315 recipients na ang nakatanggap ng tulong mula sa pitong Vice President satellite office at OVP main office.
Nabatid na ang OVP medical at burial assistance para sa indigent Filipinos ay mayroon nang partnership sa Department of Health para sa Medical Assistance to Indigent Patients Program (MAIPP).
Sakop nito ang 31 na public hospital sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Nasa P20,000 ang pinakamalaking halaga na natatanggap ng bawat humihingi ng tulong sa OVP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.