Pabahay sa Zamboanga, ininspeksyon ng NHA

By Chona Yu October 08, 2022 - 09:21 AM


Nagsagawa ng ocular inspection si National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai sa mga pabahay sa Barangay Cabaluay, Zamboanga City.

Ito ay para matiyak na nasusunod ang programa ng administrasyon na Building Better and More housing for the Filipinos.

Nasa 925 na pamilya ang makikinabang sa 222,427 square meter na pabahay sa Cabaluay Place na nasa ilalim ng Government Employees Housing Program (GEHP).

Mayroon itong two-story duplex housing unit na nasa 80 square meters.

Bawat bahay ay mayroong dalawang bedroom, isang banyo at may storage area.

Ininspeksyon din ni Tai ang ginagawang pabahay sa Labuan Sea Breeze Subdivision at Ayer Village Subdivision.

Ang Labuan Sea Breeze ay magsisilbing relokasyon sa 411 pamilya na nasunugan ng bahay noong 2018.

Nasa 109 na pamilya naman na nawalan ng tahanan dahil sa armed conflict sa pagitan ng gobyerno at Moro National liberation Front ang makikinabang sa Ayer Village.

Sa kasalukuyan, nasa 85.05% na tapos na ng pabahay.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa Setyembre 2023.

TAGS: news, NHA, Pabahay, Radyo Inquirer, Zamboanga, news, NHA, Pabahay, Radyo Inquirer, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.