Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ibat-ibang tanggapan ng gobyerno maging ang local government units na maghanda dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ginawa ng Pangulo ang utos matapos ilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 2 ang bulkan.
Ayon sa Twitter post ng Pangulo, personal na rin siyang nakipag-ugnayan sa PHIVOLCS at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
“Matapos itaas sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon, tayo ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa PHIVOLCS, NDRRMC, LGUs at iba pang ahensya upang siguraduhin na ang lahat ay handa sa posibleng pagbago ng sitwasyon. Mag-ingat po tayo,” pahayag ng Pangulo.
Nasa Alert Level 2 ang bulkan at nagkakaroon ng shallow magmatic processes na maaring magdulot ng phreatic eruptions o maaring magkaroon ng hazardous magmatic eruption.
Pinapayuhan ang mga residente na nakatira malapit sa bulkan na mag-ingat.