Inilagay na sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon.
Ayon sa Phivolcs, ito ay dahil sa patuloy na pag-alburuto ng bulkan.
Nagkakaroon ngayon ng shallow magmatic process ang bulkan na maaring magdulot ng phreatic eruption o hazardous magmatic eruption.
Una nang inilagay sa Alert Level 1 ang bulkan noong Agosto dahil sa low-level unrest.
Pinapayuhan ang mga residente na huwag pummasok sa six-kilometer-radius permanent danger zone para makaiwas sa posibleng biglaang pagsabog, rockfall at landslides.
Pinapayuhan din ang mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan.
READ NEXT
LTFRB chairperson Cheloy Velicaria-Garafil, itinalagang OIC sa Office of the Press Secretary
MOST READ
LATEST STORIES