Sen. Estrada umapela sa Sandiganbayan para makadalo ng sesyon sa Senado

By Jan Escosio June 06, 2016 - 03:18 PM

SEN. JINGGOY ESTRADA-SANDIGANBAYAN/SEPTEMBER 08, 2014 Senator Jinggoy Estrada taking a break from the hearing of his case in Sandiganbayan, Quezon City. LYN RILLON
Inquirer file photo

Umaasa pa rin si detained Sen. Jinggoy Estrada na papayagan siya ng Sandiganbayan na makalabas ng kulungan para dumalo sa sesyon sa Senado ng tatlong araw.

Sa inihain niyang motion for reconsideration, iginiit ni Estrada na kailangan na personal niyang pangasiwaan ng personal ang pag-aalis ng kanyang mga gamit sa Senado.

Katuwiran nito ang pagpirma niya sa mga dokumento ay maaring isagawa sa labas ng Senado pero hindi ang paghihiwalay ng kanyang mga personal na gamit.

Noong nakaraang Biyernes ibinasura ng anti-graft court ang hiling ni Estrada na makapunta sa Senado simula dapat ngayon araw hanggang sa Miyerkules sa pagsasabing pwede namang pangasiwaan ng kanyang mga staff ang pagliligpit sa kanyang mga personal na kagamitan.

TAGS: Estrada, plunder, sandiganbayan, senate, Estrada, plunder, sandiganbayan, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.