Zubiri umapila sa Ombudsman na pagtibayin at hindi lusawin ang ARTA
Naniniwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na pagtibayin na lamang sa halip na buwagin ang Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Katuwiran ni Zubiri malaki ang magagawa ng mandato ng ARTA para sa ‘ease of doing business’ campaign ng gobyerno.
“Umaapila po ako sa ating mahal na Ombudsman na mag-dialogue po tayo para hindi naman maging sayang ating mga hakbang para sa red tape,” sabi ni Zubiri, ang nag-akda ng ARTA Law.
Dagdag pa ni Zubiri; “If we abolish ARTA and repeal the law, it si 1,000 steps to the wrong direction.”
Unang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na maaring amyendahan o ibasura na ng Kongreso ang naturang batas sa katuwiran niya na pinanghihimasukan lamang nito ang mandato ng Office of the Ombudsman.
Ang ARTA ay nabuo noong 2018 sa pamamagitan ng RA 11032, na nag-amyenda naman sa Anti-Red Tape Act of 2007.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.