Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Henry Teves na bakantehin na ang Office of the Governor sa Negros Oriental matapos na rin ipawalang-bisa ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang panalo noong nakaraang eleksyon.
Nagpalabas na si Interior Secretary Benhur Abalos Jr., ng kautusan para bakantehin ni Teves ang posisyon.
Kasunod na rin ito nang panunumpa ni Roel Degamo kay Pangulong Marcos Jr., kayat ayon kay Abalos na maituturing na ‘final and executory’ na ang desisyon ng Comelec.
Bago ito, ibinigay ng Comelec ang may 50,000 boto na nakuha ng isang Grego Gaudia, na ginamit ang pangalan na Ruel Degamo sa balota.
Nakakuha si Teves ng 296,897 boto, samantalang 277,462 naman ang kay Degamo na nadagdagan ng 50,000 kayat nalamangan niya ang una ng 29,604 boto.