Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga Filipino, na may edad 15 pataas, ang walang trabaho noong buwan ng Agosto.
Ito ang ibinahagi ni National Statistician Dennis Mapa at aniya umakyat sa 2.68 milyon ang mga walang trabaho noong Agosto mula sa 2.6 milyon noong Hulyo.
Ito aniya ay 5.3 porsiyento mula sa 5.2 porsiyento.
Sa sektor ng pangingisda may pinakamaraming nawalan ng trabaho sa bilang na 286,000, sinundan ng sa konstruksyon, arts, entertainment and recreation, human health and social work activities at real estate.
Sa pagitan naman ng isang taon, pinakamaraming nalagasan ng manggagawa sa agrikultura at forestry sa bilang na 140,000.
Paliwang ni Mapa may 557,000 na pumasok sa labor force ngunit hindi lahat ay nakapasok sa trabaho, kayat tumaas din ang jobless rate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.