Pangulong Marcos nakakuha ng majority approval rating

By Chona Yu October 07, 2022 - 08:59 AM

Nakakuha ng majority approval rating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 11 mula sa 13 key national issues.

Ayon sa survey ng Pulse Asia, mayorya sa mga Filipino ang nagbigay ng mataas na rating sa Pangulo.

Base sa appreciation sentiment, 78 percent ang kuntento sa pagtugon ng administrasyon sa pangangailangan ng mga calamity-hit areas; 78 percent sa pag-control sa pagkalat ng COVID-19, 69 percent sa pagtataguyod sa kapayapaan sa bansa at 68 percent sa pag-protekta sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers.

Nasa 67 percent naman ang nagsabi na kuntento sila sa paglaban sa kriminalidad, 62 percent sa pagpapatupad sa rule of law, 59 percent sa paglikha ng trabaho, 59 percent sa pagtaas sa sweldo ng mga manggagawa, 58 percent sa paglaban sa graft and corruption, 57 percent sa pangangalaga sa kalikasan, 52 percent sa pagdepensa at pangangalaga sa territorial integrity.

Gayunman, mababa ang nakuhang grado ng administrasyon sa pagtugon sa inflation.

 

TAGS: Approval Rating, news, pulse asia, Radyo Inquier, Approval Rating, news, pulse asia, Radyo Inquier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.