Tagumpay sa kampanya kontra droga ipinagmalaki ng PNP

By Ruel Perez June 06, 2016 - 03:08 PM

Ricardo-marquez
Radyo Inquirer photo

Nanindigan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila nagpabaya sa kampanya kontra illegal drugs.

Ito ang naging pahayag ni PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez sa harap ng naging panawagan ni incoming President Rodrigo Duterte sa publiko na tumulong sa kampanya laban sa droga at alok na magbibigay siya ng pabuya sa mga makapapatay sa mga illegal drugs presonalities.

Giit pa ni Marquez ipinagmamalaki niya ang kanilang mga naging accomplishment sa kampanya kontra droga kung saan nasa 18,000 na mga drug personalities na ang kanilang nahuli habang umaabot naman 500 kilos ng shabu ang kanilang nakumpiska sa mga nakalipas na buwan.

Kahit umano naging abala sila sa paghahanda sa nakaraang eleksyon hindi umano nila pinabayaan ang kampanya sa paghabol sa mga sindikato ng droga sa bansa.

Dagdag pa ni Marquez, may kanya kanya naman umanong istilo o pamamaraan ang bawat administrasyon sa paglaban sa droga kaya ipinauubaya na nito sa susunod na PNP Chief kung ano ang gagamitin nitong paraan para matigil ang operasyon ng droga sa bansa.

TAGS: duterte, Illegal Drugs, Marquez, PNP, duterte, Illegal Drugs, Marquez, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.