Ernesto Maceda itinalagang Comelec commissioner

 

(Courtesy: Comelec)

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.si Ernesto Ferdinand Maceda Jr. bilang bagong commissioner ng Commission on Elections.

Ayon kay Comelec spokesman John Rex Laudiangco, muling itinalaga naman ng Pangulo si Commissioner Nelson Celis sa Comelec.

Pupunan ni Celis ang nabakanteng puwesto ni dating Comelec Commissioner Aimee Neri.

Parehong matatapos ang termino nina Maceda at Celis sa Pebrero 2, 2029.

Manunumpa saa tungkulin sina Maceda at Celis sa Lunes sa harap ni Comelec Chairman George Garcia.

Pero ad-interim pa lamang ang status ng dalawa habang hindi pa nakukumpirma ng Commission on Appointments.

 

Read more...