Dalawang katangian ng susunod na Press secretary inilatag

By Chona Yu October 06, 2022 - 05:00 PM

Kaibigan ng media at marunong sa messaging.

Ito ang mga kwalipikasyon na hinahanap ni Pangulong Marcos Jr., sa kapalit ni resigned Press Sec. Trixie Angeles.

Tatlong pangalan ang nasa shortlist ng Pangulo

“We’re down to a shortlist of 3. So we’re whittling it down. Malapit na yan because, para hindi na ako haharap dito sa inyo. So let’s just say, what’s today? Today is Thursday? Early next week we will announce,” pahayag ng Pangulo.

.Una nang lumatang ang mga pangalan nina Atty. Mike Toledo, Gilbert Remulla at Cesar Chavez.

Maging ang pangalan ni Paul Soriano ay lumutang rin na posibleng susunod na press secretary.

Ayon kay Toledo, nakahanda siyang tanggapin ang posisyon kung iaalok sa kanya, samantalang sinabi naman ni Chavez na nais niya munang matutukan ang rail sector sa bansa.

Sinabi naman ni Remulla na abala siya ngayon bilang director ng Pagcor at tinanggihan naman ni Soriano ang alok ng Punong Ehekutibo na maging press secretary.

TAGS: journalist, media, press secretary, journalist, media, press secretary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.