Administrasyong-Marcos Jr., sablay sa pagpigil sa pagsirit ng mga presyo – Pulse Asia

Ang kabiguan na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang tanging bahid sa magandang simula ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.

Base sa resulta ng Pulse Asia survey, nakakuha ng high net approval ratings si Pangulong Marcos Jr., sa 12 sa 13 pambansang isyu at ang pinakamataas niyang grado na natanggap ay +75 sa pagtugon sa mga kalamidad.

Ngunit, -11 ang nakuhang grado ng gobyerno sa usapin nang pagtugon sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo o inflation.

Lumabas na 66 porsiyento ng mga ‘adult respondents’ ang nagsabi na napakahalaga na matugunan agad ito ng kasalukuyang administrasyon.

Ang iba pang mahahalagang isyu na dapat matugunan ay ang pagpapataas ng suweldo ng mga manggagawa (44%), paglikha ng mga trabaho (45%) at kahirapan (34%).

Isinagawa ang survey noong Setyembre 17 hanggang 21.

Read more...