Globe gumawa ng bagong hakbang kontra spam, scam texts

By Jan Escosio October 06, 2022 - 03:40 PM

Sinimulan na ng Globe Telecom ang pagharang sa mga text messages na may ‘clickable links,’ mula sa postpaid at prepaid numbers para matigil na ang pagkalat ng mga mapanlokong mensahe.

Kabilang sa mga haharangin ay ang mga text messages mula sa mga numero na naglalaman ng kumpletong pangalan ng subscriber.

“Before implementing this measure, what we were doing was blocking access to malicious links in text messages to help protect customers. This time around, were blocking the actual message. If the SMS has a link of any kind, we are not going to deliver it, period,” diin ni Globe Chief Information Security Officer Anton Bonifacio.

Paliwanag niya, gagawin nila ang hakbang habang hinihintay ang kahihitnan ng SIM Registration Bill, na hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulo Marcos Jr., upang ito ay maging ganap ng batas.

Tiwala ang Globe na sa ganitong paraan ay mapapalakas pa ang kapasidad ng gobyerno sa pagtugis sa ‘cyber criminals’ at pagsasampa ng mga kinauukulang kaso.

“We are taking this measure for the security of our 92 million customers at Globe and 66 million more using GCash as we note how the modus operandi of fraudsters are becoming even more sophisticated. We hope this will make a major dent on various spam and scam SMS rackets,” dagdag pa ni Bonifacio.

TAGS: scam, sim, spam, text message, scam, sim, spam, text message

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.