Pilipinas, target ni Pangulong Marcos Jr., na maging ‘global agricultural hub’
Pagsusumikapan ng administrasyong-Marcos Jr., na kilalanin sa buong mundo bilang agricultural hub ang Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., sa pagbubukas ng Agrilink, Foodlink and Aqualink 2022 sa Pasay City.
Sinabi din ng Punong Ehekutibo na pangarap niya na wala ng Filipino ang makakaranas ng gutom.
“With our energies and resources combined, I am confident that we will not only achieve our goal of feeding the Filipino people, but also achieve our dream of making the Philippines a leading agricultural resource hub in the region and the world,” pahayag ng Pangulo.
Aniya panahon na upang palakasin ang agricultural industrialization sa bansa.
Binanggit din niya na may mga ayuda at mga proyekto aniya ang nakalaan para sa mga magsasaka tulad ng Rice Farmers Financial Assistance disbursements na umabot na sa P590 milyon at Fuel Discount Program for Farmers and Fisherfolk na umabot na sa P320 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.