Hirit na injunction ng NOW Cable vs NTC order ibinasura

By Chona Yu October 06, 2022 - 11:16 AM

Ibinasura ng isang korte sa Quezon City ang hiling ng NOW Cable Inc. na magpalabas ng writ of preliminary injunction laban sa ipinalabas na cease and desist order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC).

Magugunita na Setyembre ng nakaraang taon nang ilabas ang CDO ng Quezon City RTC Branch 91 laban sa NOW Cable dahil nag-expire na ang prangkisa nito.

Noong nakaraang Mayo, binawi na ng NTC ang mga naka-assign na frequency sa NOW Cable kabilang ang lahat ng channel at maging ang inisyung provisional authorities dito dahil sa kawalan ng balidong congressional franchise.

Sa resolusyon ng QC RTC Branch 91, sinabi nitong nabigo ang NOW Cable na patunayan na dapat silang mabigyang proteksyon sa pamamagitan ng pagpapalabas ng injunction.

Ayon sa korte, sa ilalim ng RA No. 8213 Section 3, kailangan ng prior approval ng NTC para sa kontruksyon at operasyon ng ng istasyon at pasilidad ng NOW Cable.

Sinabi din ng korte na ang prangkisa ng NOW Cable ay napaso na noong Sept. 2021.

Sa pagtutol ng NTC, sinabi nitong walang otorisasyon ang korte para aprubahan ang petisyon ng NOW Cable dahil ang pagbibigay ng certificate of authority para makapag-operate ng radio at television broadcasting system kabilang na ang CATV ay mandato ng NTC.

TAGS: cable, court, NTC, cable, court, NTC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.