ES Lucas Bersamin nakiramay sa pamilya ni Percy Lapid

By Chona Yu October 06, 2022 - 10:58 AM

RICHARD GARCIA PHOTO

Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga naulila ng pinaslang na radio broadcaster na si Percy Lapid.

Kasama ni Bersamin na dumalaw sa burol sa Manila Memorial Park sa Paranaque City si Sr. Deputy Executive Sec. Hubert Guevara.

Hindi na nagpaunlak ng panayam ang dalawang opisyal.

Una rito, sinabi ni Guevara na nababahala si Pangulong Marcos Jr. sa pamamaslang kay Lapid.

Pinagsusumite rin ng  ulat ng Palasyo ang mga awtoridad sa loob ng pitong araw mula nang mapaslang si Lapid noong Lunes.

Sinabi naman ni Roy Mabasa, kapatid ni Lapid na marami nang natatanggap na pagbabanta sa buhay ang pinatay na kilalang kritiko ng administrasyong-Duterte at kasalukuyang administrasyon.

Pero hindi aniya ito naging hadlang para ihayag sa publiko ang katotohanan.

TAGS: ambush, broadcaster, executive secretary, journalist, slay, ambush, broadcaster, executive secretary, journalist, slay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.