Proteksyon sa media tiniyak ni Pangulong Marcos Jr.

Nangako si Pangulong Marcos Jr., na susuportahan at bibigyan proteksyon ng kanyang administrasyon ang mga mamamahayag sa bansa.

Sinabi ito ni Pangulong Marcos Jr., kasabay nang pagkilala sa napakahalagang bahagi ng mga mamamahayag sa lipunan.

“Under my lead, we will support and protect the rights of the media as they efficiently perform their duty,” aniya.

Siniguro din ng Punong Ehekutibo na patuloy na magiging bukas ang kanyang administrasyon sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag para lubos na mapagtibay ang relasyon.

\“You may rest assured that we will continue to articulate our plans for the members of the media. We will not be your leader, but we will be your partner,” pahayag ni Pangulong Marcos sa pagtitipon ng Manila Overseas Press Club.

Read more...