Re-supply mission sa Marines sa BRP Sierra Madre naikasa
Matagumpay na nahatiran ng mga pangangailangan ang mga tauhan ng Philippine Marines na nagbabantay sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni AFP – Western Command commander, Vice Admiral Alberto Carlos, bukod sa mga pagkain, tubig at gamit, nadalahan din ng maintenance at repair equipment ang mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre.
Ayon pa kay Carlos, gumamit sila ng commercial vessel para sa ‘resupply mission’ sa Ayungin Shoal.
Wala naman aniya naging aberya sa pagdadala ng mga suplay at walang sumita na Chinese Coast Guard vessels, na nagpapatrulya sa bahagi ng West Philippine Sea.
Magugunita na may mga pagkakataon na hinaharang ng Chinese Coast Guard maging ang civilian re-supply vessel na patungo sa Ayungin Shoal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.