DOTr kinalampag ni Sen. Bong Revilla sa mga aberya sa MRT 3

By Jan Escosio October 06, 2022 - 09:43 AM

CHA PADILLA FB PHOTO

Pinuna na ni Senator Ramon Revilla Jr., ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa mga aberya sa operasyon ng MRT 3.

Ginawa ito ni Revilla Jr., nang mapanood ang viral video ng nakahabang pila ng mga pasahero ng MRT 3 bunga nang pagtirik ng isa pang bagon na tumagal ng halos isang oras.

Sabi ng senador, dahil sa mahabang pila dakong ala-6 ng gabi, nagkaroon ng tulakan, sigawan at siksikan at nangangamba siya na ang mga ganitong eksena ay maging ‘super spreader event’ ng COVID 19.

“Hindi naman masama na masiraan, ang hindi maganda ay ‘yung madalas, ibig sabihin may problema sa maintenance at ang nagdurusa dito ay ang kaawa-awa nating mga kababayan na pagod na maghapon at nagmamadaling makauwi ng bahay tapos maaabala na at posible pang mahawa sa COVID-19” diin ng senador.

Puna lang din ni Revilla, kumpara sa LRT 1 at LRT na ilang buwan nang maayos ang operasyon, ang MRT 3 aniya ay napapadalas ang mga aberya.

Ang pamunuan ng MRT 3 ay humingi na ng paumanhin sa pangyayari at technical glitch ang ugat ng aberya ng kanilang mga biyahe.

 

TAGS: delay, MRT 3, technical glitch, delay, MRT 3, technical glitch

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.