Pangulong Marcos Jr., sumaludo sa mga guro

Binigyang pagkilala ni Pangulong  Marcos Jr. ang mga guro sa bansa kasabay nang paggunita ng National Teachers’ Day.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr., sinasaluduhan niya ang mga guro dahil sa karunungan na ibinabahagi ng mga ito sa mga kabataan.

“I firmly believe that education is the bedrock of every prosperous society, and that those who dedicate their lives to teaching are important drivers of our nation. Today, we honor our dear educators across the country for ensuring our youth’s holistic development as they aspire to be agents of change within their respective communities and beyond, ” pahayag ng Pangulo.

Magandang pagkakataon ang araw na ito ayon sa Punong Ehekutibo para pasalamatan ang mga guro.

“Let this day be a culmination of a month-long celebration in which we acknowledge the many sacrifices that our teachers make to mold our students and prepare them so they can achieve their dreams in life. This is also a good opportunity to express our sincerest appreciation for their invaluable service to the nation as we safely reopen our schools and bring forth a new era of learning amidst the post-pandemic world, ” dagdag pa nito.

Kumpiyansa aniya siya na sa tulong ng mga guro mapapagtibay ang bansa para sa magandnag hinaharap.

Read more...