Impormasyon sa pagpatay kay Percy Lapid hinihimay ng PNP
Bumisita si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., sa burol ng pinaslang na broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid sa Manila Memorial Park sa Paranaque City.
Ayon sa hepe ng pambansang pulisya mabusisi ang ginagawa nilang pag-iimbestiga sa pangalawang mamamahayag na napatay sa ilalim ng administrasyong-Marcos Jr.
Pagtitiyak ni Azurin tinitingnan nila ang lahat ng mga posibleng anggulo para matukoy ang salarin at utak ng pagpatay kay Mabasa.
Hiniling naman ni Valerie Sy, anak ni Mabasa, na tukuyin ang tunay na nasa likod ng pamamaslang.
Samantala, dumalaw din sa burol si dating Sen. Kiko Pangilinan, gayundin si Kathryna Pimentel, maybahay ni Senate Minority Leader Koko Pimentel.
Nagpadala na ng bulaklak naman si dating Vice President Leni Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.