September inflation humataw sa 6.9%

Naging mabilis ang pagtaas ng inflation sa bansa noong nakaraang buwan at ito ay naitala sa 6.9 porsiyento, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa, ito na ang pinakamataas na naitala  simula noong Oktubre 2018.

Pagbabalik ni Mapa, ang inflation noong Agosto ay 6.3 porsiyento.

Paliwanag ni Mapa ang mataas na inflation ay bunga ng mataas na halaga ng maraming pagkain, serbisyo at iba pang produkto.

Nakapag-ambag din aniya ang pagtaas ng pasahe, kuryente at tubig, bukod pa sa mga produktong-petrolyo.

Nabanggit din nito na 15 sa mga rehiyon sa bansa ang nakapagrehistro ng mas mataas na inflation, maliban sa Eastern Visayas.

Tatlo din aniya sa mga rehiyon ang nakapagtala na ng ‘double digit’ inflation.

Sinabi pa ni Mapa na nakakaapekto din sa halaga ng mga bilihin at serbisyo ang mahinang halaga ng piso kontra sa dolyar kayat maaring magpatuloy ang pagtaas hanggang sa Kapaskuhan.

Read more...