CA performance mas mabuti kumpara sa nakalipas na Kongreso – Zubiri

Ipinagmalaki ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maituturing na mas maganda naman ang naipakita ng kasalukuyang Commission on Appointments (CA) sa pagbubukas ng 19th Congress kumpara sa ilang nakalipas na Kongreso.

“Records will show that the current Commission delivered better performance than in 13th, 15th and 17th Congresses for the same period at the start of a new administration,” ayon kay Zubiri.

Sa pagbubukas ng 19th Congress, walong miyembro ng gabinete ang nakumpirma, dalawang miyembro ng Constitutional Commission, 28 diplomats, isang miyembro ng Judicial Bar Council at 113 opisyal ng military.

Ginawa ni Zubiri ang pahayag matapos ma-bypassed sa CA ang ilang matataas na opisyal, kabilang ang maraming miyembro ng gabinete ni Pangulong Marcos Jr.

Paliwanag nito kinapos ng oras ang Senado dahil sa pagsasagawa ng mahahalang pagdinig ng ilang komite kayat hindi din napaglaanan ng sapat na panahon ang appointments.

Noong nakaraang Martes mini-reappoint na lamang ng Malakanyang ang 10 sa 13 na-bypassed na Cabinet members.

 

Read more...