SIM Registration, Barangay at SK Postponement Bills pipirmahan ni Pangulong Marcos Jr.
Tiwala ang Malakanyang na pipirmahan ni Pangulong Marcos Jr., ang panukalang batas para sa pagpaparehistro ng SIM card na inilalagay sa mga gadget, partikular na sa mobile phones.
Gayundin ang panukala para sa pagpapaliban ng nakatakdang synchronized barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre.
Sinabi nina Executive Sec. Lucas Bersamin at Sr. Deputy Executive Sec. Hubert Guevarra malaki ang posibilidad na pirmahan upang maging ganap na batas ang dalawang panukala.
Ngunit paglilinaw agad ni Guevarra ayaw niyang pangunahan si Pangulong Marcos Jr., at makakabuti na hintayin na lamang ang magiging hakbang ng huli.
Naibahagi naman ni Bersamin na wala pa silang pinag-aaralan sa pag-veto ng SIM Registration Bill.
Sinabi nito na batid ng Punong Ehekutibo na maganda ang hangarin ng Kongreso sa dalawang naturang panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.