Nabatid na ang pagkakadiskubre ng rifle-propelled grenade, na may tatlong bala at iba pang gamit sa pagbuo ng mga bomba ay base sa sumbong ng small-scale miners sa Barangay Cuyago.
Magugunita na noong Setyembre 14, matapos makasagupa ng puwersa ng gobyerno ang ilang rebelde, nadiskubre ang bangkay ni Reynaldo Leyson Jr, sa nabanggit na lugar.
Sa pagkakadiskubre naman ng mga pampasabog, kinondena ng 29th IB ang NPA dahil sa patuloy na paggamit ng mga improvised explosive devices (IEDs) bilang landmines.
Ang mga ganitong uri ng pampasabog ay nagiging banta sa mga sibilyan at komunidad.