Mga pampasabog nadiskubre ng Army sa Agusan del Norte

By Jan Escosio October 04, 2022 - 11:41 AM

Narekober ng mga tauhan ng Philippine Army 29th Infantry Battalion ang ilang pampasabog na pinaniniwalaang itinago ng New People’s Army sa Cabadbaran, Agusan del Norte.

Nabatid na ang pagkakadiskubre ng rifle-propelled grenade, na may tatlong bala at iba pang gamit sa pagbuo ng mga bomba ay base sa sumbong ng small-scale miners sa Barangay Cuyago.

Magugunita na noong Setyembre 14, matapos makasagupa ng puwersa ng gobyerno ang ilang rebelde, nadiskubre ang bangkay ni Reynaldo Leyson Jr, sa nabanggit na lugar.

Sa pagkakadiskubre naman ng mga pampasabog, kinondena ng 29th IB ang NPA dahil sa patuloy na paggamit ng mga improvised explosive devices (IEDs) bilang landmines.

Ang mga ganitong uri ng pampasabog ay nagiging banta sa mga sibilyan at komunidad.

TAGS: IED, NPA, PA, IED, NPA, PA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.