Ayon kay Inspector Rolando Lumanas Antipolo ng Bohol provincial police, ang napatay na drug ring leader ay nakilalang si David Anunciado.
Ang apat na iba pang nasawi sa shootout ay nakilalang sina Melkin Ohina, Pio Jostol, Alipio Anuta at Leonides Enoc.
Arestado naman ang tatlong katao na hinihinalang miyembro ng grupo ni Anunciado na sina Rene Petecio, Daria Nuñez at Justino Vistal.
Ayon kay Antipolo, pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis sa kasagsagan ng operasyon sa bahay na hinihinalang drug den sa Barangay Cawayan.
Nasabat mula sa mga suspek ang mga armas at 42 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng aabot sa P3 milyon.
Si Anunciado ay nasa listahan ng Bohol Provincial Police Office bilang isang drug lord na sangkot sa drug trafficking sa bayan ng Inabanga.
Noong nagdaang weekend lamang, napatay din ang isang pinaghihinalaang drug lord sa lalawigan na si Rowen Secretaria.