Hinihinalang drug lord, apat na iba pa, patay sa shootout sa Bohol

By Dona Dominguez-Cargullo June 06, 2016 - 12:03 PM

Inabanga BoholPatay ang limang katao kabilang ang isang hinihinalang local drug ring leader sa umano ay shootout na naganap sa Inabanga, Bohol.

Ayon kay Inspector Rolando Lumanas Antipolo ng Bohol provincial police, ang napatay na drug ring leader ay nakilalang si David Anunciado.

Ang apat na iba pang nasawi sa shootout ay nakilalang sina Melkin Ohina, Pio Jostol, Alipio Anuta at Leonides Enoc.

Arestado naman ang tatlong katao na hinihinalang miyembro ng grupo ni Anunciado na sina Rene Petecio, Daria Nuñez at Justino Vistal.

Ayon kay Antipolo, pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis sa kasagsagan ng operasyon sa bahay na hinihinalang drug den sa Barangay Cawayan.

Nasabat mula sa mga suspek ang mga armas at 42 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng aabot sa P3 milyon.

Si Anunciado ay nasa listahan ng Bohol Provincial Police Office bilang isang drug lord na sangkot sa drug trafficking sa bayan ng Inabanga.

Noong nagdaang weekend lamang, napatay din ang isang pinaghihinalaang drug lord sa lalawigan na si Rowen Secretaria.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.