Ito ang ibinahagi ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., at kasabay ito nang isinasagawang ‘crack down’ sa mga ilegal na aktibidad sa operasyon ng POGOs.
Aniya ang bilang ay base sa ulat ng PNP – Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).
Dagdag pa ng hepe ng pambansang pulisya, may pagtutulungan ang PNP at local government units (LGUs) sa pagbalangkas ng mekanismo para sa dokumentasyon ng POGO workers.
Paliwanag niya, ito ay para sa monitoring at recording systems sa lahat ng aktibidades ng mga nagta-trabaho sa POGO.
Una nang pumayag ang POGOs na maging requirement sa pagta-trabaho ng mga banyaga sa bansa ang pagkuha ng police at NBI clearances.