Higit 3,100 POGO workers nag-apply ng police clearance – PNP

By Jan Escosio October 04, 2022 - 10:32 AM

Kabuuang 1,398 Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) workers ang nag-apply na ng police clearance.

Ito ang ibinahagi ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., at kasabay ito nang isinasagawang ‘crack down’ sa mga ilegal na aktibidad sa operasyon ng POGOs.

Aniya ang bilang ay base sa ulat ng PNP – Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).

Dagdag pa ng hepe ng pambansang pulisya, may pagtutulungan ang PNP at local government units (LGUs) sa pagbalangkas ng mekanismo para sa dokumentasyon ng POGO workers.

Paliwanag niya, ito ay para sa monitoring at recording systems sa lahat ng aktibidades ng mga nagta-trabaho sa POGO.

Una nang pumayag ang POGOs na maging requirement sa pagta-trabaho ng mga banyaga sa bansa ang pagkuha ng police at NBI clearances.

TAGS: crimes, NBI, PNP, POGOs, crimes, NBI, PNP, POGOs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.