Dating vice gubernatorial candidate na umasunto kay Aurora ex-Gov. Jerry Noveras, tinodas

By Jan Escosio October 04, 2022 - 10:12 AM

REA DELA ROSA FACEBOOK PHOTO

Agad namatay ang dating vice-mayor ng Dipaculao, Aurora, maging ang kanyang asawa at driver matapos silang pagbabarilin kahapon ng hapon.

Sa paunang ulat ng lokal na pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Narciso Amansec at asawang si Merlina, samantalang hindi naibigay ang pangalan ng kanilang kasamang driver.

Nabatid na ala-5:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa Barangay Dibatunan, sa nabanggit na bayan.

Patungo sa Barangay Diarabasin ang mga biktima, na sakay ng isang Isuzu DMax pick-up truck, nang sila ay paulanan ng mga bala.

Mabilis na tumakas sa hindi pa nabanggit na direksyon ang mga salarin.

Si Amansec ang nagbunyag at nagreklamo kay dating Gov. Jerry Noveras dahil sa paggamit diumano ng printing-office ng gobyerno para sa pag-imprenta ng kanyang campaign materials.

Kapwa naging vice-gubernatorial candiate nitong nakaraang eleksyon sina Amansec at Noveras.

Nakabinbin ang mga kaso laban kay Noveras sa Commission on Elections (Comelec) at Provincial Prosecutors Office.

TAGS: ambush, Aurora, comelec, election, ambush, Aurora, comelec, election

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.