Apat na Vietnamese, huli sa illegal fishing sa Pag-asa Island
Arestado ang apat na Vietnames habang nangingisda sa karagatan ng Pag-asa Island, Kalayaan sa Palawan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Station Kalayaan, naaresto ang apat katuwang ang puwersa ng Philippine Navy (PN), at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG).
Huli sa akto ang apat na Vietnamese na nagsasagawa ng illegal fishing gamit ang sodium cyanide.
Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang fishing vessel o mas kilala bilang “sampan.”
Isa sa mga naarestong Vietnamese ay menor de edad. Ayon sa PCG, nasa 16 hanggang 18 lamang ang edad ng isang Vietnamese.
Nasa kostudiya na ngayon ng PCG District Palawan ang apat na Vietnamese.
Inabisuhan na rin ang mga dayuhan na lumabag sila sa Sections 91 and 92 ng Republic Act No. 10654 o “Philippine Fisheries Code of 1998.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.