Hirit ni Sen. Bong Revilla na dumalo sa huling sesyon ng Senado, ibinasura ng Sandiganbayan

By Isa Avendaño-Umali June 06, 2016 - 11:35 AM

bong-revilla11Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayn ang hirit ni detained Senator Bong Revilla na makalabas na detention cell para makdalo sa huling session days sa Senado.

Kinatigan ng korte ang pagtutol ng prosekusyon na nagpapaalalang dati nang tinanggihan ang kahalintulad na mosyon ng Senador noong nakalipas na taon.

Dahil ang rason lamang ni Revilla ay para isara ang kanyang trabaho bilang mambabatas, sinabi ni anti-graft court na pwedeng atasan na lamang ang kanyang staff kung ano ang mga dapat i-turnover na mga gamit at dokumento sa Senate custodian.

Nauna nang ibinasura ang Sandiganbayan sa kaparehong hirit si detained Senator Jinggoy Estrada.

Sinabi ng Sandiganbayan na hindi na kailangan ang presensya ni Estrada sa senado.

Pwede naman daw kasi nyang iutos sa kanyang mga tauhan ang pagliligpit sa kanyang mga gamit sa senado at iendorso naman sa senate property custodian ang mga gamit ng senado.

Sa hiling naman na makadalo sa birthday ng ina, sinabi ng korte na hindi na nila pinagbigyan ang kaparehong hiling ni Estrada noong nakaraang taon dahil kung papayagan ito ay maituturing itong isang “mockery” sa justice system ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.