Drug test sa mga showbiz celebrities, talents ok sa PNP
Suportado ng pambansang pulisya ang panukala na magkaroon ng mandatory drug test sa mga showbiz celebrities at talents bago sila makapagsimula ng anumang proyekto.
Kasabay nito ang panawagan ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., sa mga major television networks at sa showbiz industry na higpitan pa ang mga hakbangin sa katuwiran na dapat ay magsilbing magandang ehemplo anhg mga artista.
“We encourage yung mga giant networks, even yung actors’ guilds. Sila na ang magkusa parang nang sa ganun ay maipakita nila na tumutulong sila sa ating kampanya laban sa ilegal na droga,” sabi ng hepe ng pambansang pulisya.
Ginawa ni Azurin ang panawagan matapos ianunsiyo ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na isusulomg niya ang mandatory drug test sa mga nasa showbiz industry.
Kasunod ito nang pagkaka-aresto sa aktor na si Dominic Roco sa isang anti-drug operation sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.