Radio commentator na si Percy Lapid, patay sa ambush

Patay ang isang hard hitting broadcast journalist matapos tambangan sa gate ng Santa Cecilia Subdivision, BF Resort Village in Talon Dos, Las Piñas bandang 8:30 kagabi.

Nakilala ang biktima na si Percival Mabasa alyas Percy Lapid na commentator ng DWBL radio.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng kanyang Innova at pauwi na si Mabasa sa kanyang tahanan nang tambangan ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Nabatid na may kasama ang suspek na sakay naman ng isang kulay puting Toyota Fortuner.

Binangga muna ng Fortuner ang Innova ng biktima bago sumulpot ang suspek na naka-motorsiklo at pagbabarilin ang commentator.

Dinala pa ang biktima sa ospital, subalit ideneklarang dead on arrival.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa insidente.

 

Read more...