Formula 1, magandang oportunidad para palakasin ang negosyo ayon kay Pangulong Marcos
Binigyang katwiran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panonood ng Formula 1 Grand Prix sa Singapore.
Ayon sa Pangulo, kung ang ilan ay idinadaan sa larong golf, para sa kanya, ang F1 ang pinakamagandang oportunidad para hikayatin ang mga negosyante na mamuhunan sa bansa.
“They say that playing golf is the best way to drum up business, but I say it’s Formula 1. What a productive weekend!” pahayag ng Pangulo sa kanyang Facebook post.
“It was fulfilling to have been invited alongside several dignitaries and to have met new business friends who showed that they are ready and willing to invest in the Philippines. Will be sharing more details on,” dagdag ng Pangulo.
Makikita sa mga litrato na kasama ng Pangulo sa panonood ng F1 sina Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong at Singaporean Minister for Manpower Tan See Leng.
Kasama rin ng Pangulo ang kanyang may bahay na si First Lady Lisa Marcos, anak na si Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos at pinsan na si Speaker Martin Romualdez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.