Mga nanalo sa Grand Lotto 6/55 kumubra na

(Courtesy: PCSO)

Dumagsa na sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) ang mga nanalo sa Grand Lotto 6/55.

Ito ay para kunin ang P236.091 milyong jackpot prize.

Tinatayang nasa P500,000 ang makukuhang premyo ng 433 na winners.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, na-account na ng kanilang hanay ang lahat ng 433 winners.

Nanindigan pa si Robles na wala namang nakikitang mali o imposible ang kanilang hanay sa pagkakapanalo ng mahigit 400 na mananaya ng lotto.

Read more...