Preserbasyon ng mga pelikulang Pilipino isinusulong ni Sen. Lito Lapid
Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid na ang layon ay mapreserba ang mga pelikulang Filipino.
Sa inihain niyang Senate Bill No. 1352, layon ni Lapid na magtatag ng National Film Archives of the Philippines.
Paliwanag niya ang NFAP ay itatag alinsunod sa international standards at mandato nito na kolektahin at ipreserba ang mga pelikulang Pilipino, na ang tema ay pagtibayin at promosyon ng kasaysayan at kultura sa bansa, gayundin ang pagiging malikhain ng mga Filipino.
“Para sa isang bansa na may mahaba at kapuri-puring kasaysayan ng paglikha ng pelikula, na katatapos lamang magdiwan ng isang siglo ng pelikulang Filipino, nararapat lamang na ang pamahlaan ay magtatag ng isang institusyon na mamamahala sa isang pasilidad na may kadalubhasaan at malalim at tunat na malasakit at pagmahahal sa pelikulang Filipino,” sabi ni Lapid.
Sasakupin din ng National Film Archives of the Philippines Act of 2022 maging ang documentary, news reels, silent films, avant-garde works, mahahalagang amateur footage, TV shows, sounds recordings at studio productions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.