Sen. Robin Padilla nanawagan ng voluntary drug test sa entertainment workers

By Jan Escosio October 03, 2022 - 05:05 PM

Photo credit: Senate of the Philippines/Facebook

Sinabi ni Senator Robinhood Padilla na hindi maaring obligahin ang sinoman na sumailalim sa drug test.

Aniya ito ay maaring paglabag sa karapatang-pantao.

Ngunit ayon kay Padilla, suportado niya ang pagsasailalim sa drug test ng mga manggagawa, kasama na ang mga kasama niya sa showbiz, sa katuwiran na ito naman ay para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

“It would also be best if the employers shouldered the expenses for such drug tests,” dagdag pa ni Padilla.

Makakabuti din aniya kung ang mga opisyal ng gobyerno  at kawani ay magpapa-drug test dahil bahagi ng kanilang responsibilidad na magsilbing magandang ehemplo.

Ang mga pahayag na ito ni Padilla ay reaksyon sa panawagan ni Rep. Ace Barbers na sumailalim dapat sa drug test ang mga entertained celebrities.

TAGS: drug test, entertainment, news, Radyo Inquirer, Robin Padilla, drug test, entertainment, news, Radyo Inquirer, Robin Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.