P544B ‘lump sum funds’ sa DPWH nasilip ni Sen. Koko Pimentel

Photo credit: Sen. Koko Pimentel/Facebook

Hiningi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang paliwanag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ukol sa P544 bilyon na ‘lump sum fund’ na nakapaloob sa 2023 budget ng kagawaran.

Ayon sa senador ang halaga ay 75 porsiyento na ng kabuuang P218 bilyong pondo ng DPWH para sa susunod na taon.

Nag-aalala si Pimentel na mauwi sa pang-aabuso ang paggamit ng naturang pondo ng bayan kayat dapat aniya ay maipaliwanag ito ng husto ng DPWH.

Banggit pa niya malaking bahagi pa ng naturang pondo ay nakalaan sa DPWH Central Office.

Nais niya na maging malinaw ang pagkakagastusan hanggang sa huling sentimo ng pondo.

Katuwiran nito, kung palulusutin ito ng Kongreso, magmimistulang binigyang kapangyarihan na ang DPWH na gastusin ang pondo sa anumang paraan na kanilang naisin.

 

Read more...