Senate probe sa ‘mass lotto winners’ sinuportahan ni Sen. Risa Hontiveros

By Jan Escosio October 03, 2022 - 02:58 PM

Sang-ayon si Senator Risa Hontiveros sa nais ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na maimbestigahan ang pagkakapanalo ng 433 sa 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Hontiveros nais lamang nila na maalis ang pagdududa sa publiko na 433 ang nakakuha ng nanalong kombinasyong 09-45-36-27-18-54.

Dagdag pa nito, nais lamang nila sa minoriya na matiyak na maayos, maaasahan at mapapagkatiwalaan ang sistema ng PCSO sa usapin ng operasyon ng lotto draws.

Unang sinabi ni Pimentel na ‘one in a billion’ ang tsansa na makuha ng mahigit 400 lotto bettors ang makakuha ng winning combination.

Kayat aniya maghahain siya ng resolusyon para maimbestigahan ang Senado at matiyak ang integridad ng pasugal ng gobyerno.

TAGS: Lotto, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, Senate probe, Lotto, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, Senate probe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.