Halaga ng nasirang pananim dahil sa Bagyong Karding, umabot na sa P3.12 bilyon

Umabot na sa P3.12 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa nagdaang Bagyong Karding.

Ayon sa Department of Agriculture, karamihan sa mga nasirang pananim ay sa bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region at Western Visayas at katumbas ng 158,117 metrikong tonelada.

Nasa 108,594 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.

Kabilang sa mga nasirang pananim ay ang palay, mais, abaca, high value crops, livestock and poultry, at mga palaisdaan.

May gma agricultural infrastructures, machineries at equipment rin ang nasira sa bagyo.

Tiniyak naman ng DA na may nakahandang ayuda ang kanilang hanay para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

 

 

Read more...