Pagkasawi ng 5 katao sa concert sa Pasay, iimbestigahan ng Kamara ngayong araw

By Isa Avendaño-Umali June 06, 2016 - 09:41 AM

close upTutukuyin ng House of Representatives ang puno’t dulo ng pagkamatay ng limang katao na dumalo sa “Close Up Forever” concert sa Pasay City noong nakaraang buwan.

Isang imbestigasyon ang isasagawa ngayong araw sa pagsisimula ng imbestigasyon ngayong araw House committee on Metro Manila development sa pamumuno ni Quezon City Rep. Winston Castelo.

Ayon kay Castelo, layon nilang malaman agad ang dahilan ng pagkasawi ng mga partygoers para hindi na ito maulit pa.

Aniya, kahit hindi raw maituro agad ang mga suspek na nasa likod o sangkot sa pagkamatay ng mga biktima ay mahalagang maabisuhan ang publiko sa masamang epekto ng droga sa katawan.

Layon din ng imbestigasyon na ilabas ang mga ebidensiya sa kaso para mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.

Kabilang sa mga ipatatawag sa imbestigasyon ang organizer ng concert, National Bureau of Investigation (NBI), Pasay City police, Philippine Drug Enforcement Agency, event organizers Activation Advertising and Eventscape at ang mga kinatawan ng SM Mall of Asia.

 

 

 

TAGS: House of Representatives will investigate close up forever summer concert incident, House of Representatives will investigate close up forever summer concert incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.