Naganap ang aksidente linggo ng gabi sa Belgium (umaga ng Lunes sa Pilipinas) kung saan nagkabanggan ang dalawang tren habang binabaybay ng mga ito ang parehong riles.
Ayon kay Belgian railway manager Infrabel Frederic Sacre, sangkot sa aksidente ang isang passenger train at isang cargo train.
Bumangga umano sa likuran ng cargo train ang paparating na passenger train.
Ayon kay Saint-Georges-sur-Meuse Mayor Francis Dejon, pinangangambahan nilang tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES