3 patay, 40 sugatan sa banggaan ng dalawang tren sa Belgium
Tatlo ang nasawi at hindi bababa sa 40 ang sugatan sa banggan ng dalawang tren sa bayan ng Hermalle-sous-Huy sa Belgium.
Naganap ang aksidente linggo ng gabi sa Belgium (umaga ng Lunes sa Pilipinas) kung saan nagkabanggan ang dalawang tren habang binabaybay ng mga ito ang parehong riles.
Ayon kay Belgian railway manager Infrabel Frederic Sacre, sangkot sa aksidente ang isang passenger train at isang cargo train.
Bumangga umano sa likuran ng cargo train ang paparating na passenger train.
Ayon kay Saint-Georges-sur-Meuse Mayor Francis Dejon, pinangangambahan nilang tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.