Pangarap ng ilang youth leaders winalis ng SK election postponement

Inquirer File Photo

Kapag ipinagpaliban ang synchronized barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, mawawalan na ng oportunidad ng maraming lider-kabataan na makapaglingkod.

Ito ang sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano dahil aniya hindi natalakay ng husto ang bicameral committee report ukol sa panukalang pagpapaliban sa eleksyon.

Aniya may mga probisyon na binanggit ang ilang senador ngunit dahil sa kakapusan ng panahon at hindi na natalakay.

Ipinunto ni Cayetano na sa ipinasang panukala, nadiskuwalipika ang ilan sa mga lider kabataan dahil ‘over aged’ na sila pagsapit ng Oktubre 2023.

Banggit niya, nakasaad sa SK Reform Act ang maari lamang kumandidato at nasa edad 18 hanggang 24.

Ayon kay Cayetano, sa bersyon ng Senado sa panukala, ang mga lider kabataan na nasa edad 24 ngayon ay maari pa rin kumandidato sa SK election sa susunod na taon.

Read more...