5% POGO franchise tax, unconstitutional ayon sa Supreme Court
Ideneklarang unconstitutional ng Supreme Court ang probisyon ng Bayanihan 2 Law at iba pang revenue circulars na nagpapataw ng 5 percent franchise tas sa gross bets o turnover ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Base sa 42 pahinang desisyon ng SC, ideneklarang uncosncitutional ang Section 11 (f) at (g) ng Bayanihan 2 dahil sa paglabag sa “one subject, one title rule” ng Konstitusyon.
Katwiran ng SC, ang pagpapataw ng bagong buwis ay hindi bahagi ng temporary COVID-19 relief measure.
Ideneklara rin ng SC na null and void ang Revenue Memorandum Circular 102-2017 at Revenue Memorandum Circular 78-2018 na nagpapataw ng franchise tax, income tax, at iba pang applicable taxes sa mga offshore-based POGO licensees.
Ginawa ng SC ang promulgation sa desisyon noong Setyembre 21, 2022.
Sinabi pa ng SC na hindi maaring ipatupad ng retroactive ang Republic Act 11590 o Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.