Mataas na pabuya sa makahuhuli ng drug lords, suportado ng VACC
Suportado ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman Dante Jimenez ang pagtataas ng pabuya ni President-elect Rodrigo Duterte sa mga sibilyan na makatutulong sa pagkakaaresto at pagkakapatay sa mga drug lords.
Ayon kay Jimenez, kailangan lamang magkaroon ng malinaw na panuntunan kung papano ito maipapatupad.
Kabilang dito ang maayos na polisiya sa pag-iisyu ng mga lisensya at permit to carry firearms outside of residence sa mga resposibleng gun owners.
Sinabi ni Jimenez na mensahe din ito sa PNP upang gawin nila ang kanilang mga trabaho upang masugpo ang talamak na problema sa iligal na droga.
Ang hakbang anya ni Duterte ay upang maisakatuparan ang pangako nito na masusugpo ang problema sa droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan nito sa puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.